May mga frontliner na itinataya ang sariling kaligtasan upang isalba ang buhay ng mga taong dinapuan ng COVID-19. Ngunit sa sandaling magapi ng virus ang katawan ng pasyente, may iba pang frontliner na handa rin suungin ang panganib para tapusin ang laban-- ang mga nasa crematorium.
Tunghayan sa video na ito ang buhay ng mga nagtatrabaho sa mga crematorium, na bukod sa tinitiis ang init ng suot nilang PPEs at lugar na pinagtatrabahuhan, iniinda rin nila ang pait na maging saksi sa pagdadalamhati ng mga naulilang kamag-anak ng mga taong pumanaw sa COVID-19 na hindi man lang nakapagpaalam at nayakap kanilang mahal sa buhay.
Silipin ang kalagayan at saloobin ng mga kababayan nating nagtatrabaho sa crematorium. --FRJ, GMA News