Mukha ka bang pagod at tila mas matanda kumpara sa iyong edad? Sa programang "Good News," itinampok ang mga murang solusyon para maiwasan ang pagiging losyang at iba pang pangangalaga sa katawan tulad ng mabahong paa.
Home remedy para sa balakubak o dandruff- Paghaluin ang isang kutsarita ng lemon at dalawang kutsara ng coconut oil saka ipahid sa parte ng anit na may balakubak. Ibabad ang solution ng 20 hanggang 30 minuto, saka i-rinse off.
P15 hanggang P20 ang coconut oil, samantalang P25 hanggang P30 naman ang lemon.
Tomato and sugar scrub para sa balat - I-blender ang kamatis at asukal para makagawa ng mixture, saka ipahid sa mukha hanggang leeg.
Magpahid ng dalawa hanggang limang minuto saka banlawan. Gawin ito ng isang beses kada linggo.
Homemade sugar wax with lemon para sa buhok sa kili-kili - Ilagay ang asukal sa pan, isunod ang asin, lemon juice at tubig. Pakuluin at hintaying maging kulay honey ang mixture.
Ilipat sa bowl para palamigin, saka ipahid sa kili-kili hanggang dumikit ang mga buhok. Pilasin ang wax.
Para sa pawis sa mga paa - Gumamit ng hand sanitizer sa kamay at ipahid sa paa. Puwede rin itong imasahe. Pero bago gawin, linisin muna ang mga paa.
Panoorin ang video para sa tamang paraan ng pangangalaga sa katawan.
--FRJ, GMA News