Kung minsan sa isang pamilya, may mga pagkakataon na labis ang pag-aaruga ng mga lolo at lola sa kanilang mga apo, lalo na kung wala o nasa trabaho ang ama at ina ng mga bata. Pero dapat bang magkaroon ng limitasyon sa mga lolo at lola sa pag-aalaga sa mga apo para hindi ma-spoil ang mga bata?
Sa "Senior Moments" segment ng Unang Hirit, ipinaliwanag ni Jose Leonidas, isang sociologist, na "unconditional" pa rin ang pag-aalaga ng mga lolo at lola sa kanilang mga apo, pero dapat ay sensitibo rin sila sa pangangailangan ng nanay at tatay.
Kailangan pa rin aniya ng mga lolo at lola na hayaan ang mga tatay at nanay na gampanan ang tungkulin nila bilang mga magulang sa kanilang mga anak, at huwag itong angkinin.
Ipinaliwanag din ni Leonidas ang "traditional" at "modern" na pamamaraan ng pagdisiplina ng mga lolo at lola. Hinikayat ni Leonidas ang "positive" na pagdisiplina sa mga apo at hindi "punishing."
Kung papaano ito, panoorin ang buong talakayan sa video na ito.
Click here for more GMA Public Affairs videos:
--Jamil Santos/FRJ, GMA News