Sa kabila ng mga modernong teknolohiya at makabagong paraan ng panggagamot, marami pa ring Pinoy ang naniniwala na ang albularyo lang ang makapagpapagaling sa sakit na kanilang nararamdaman.

Ano-ano nga ba ang mga maaaring gamutin daw ng mga albularyo at papaano sila nanggagamot? Panoorin ang pagtutok na ito ng programang "Reel Time."

Tulad ni mang Juan na 23 taon nang hirap na makapaglakad kahit nagpatingin na siya sa doktor. Ngayon, isang albularyo na napanood ng kaniyang anak sa social media na nakapagpagaling daw ng mga taong hirap din na makalakad ang inaasahang niyang makapagpapagaling sa kaniya.


Click here for more GMA Public Affairs videos:


--FRJ, GMA News