Panahon na naman ng mga handaan dahil sa papalapit na Pasko kaya talagang hindi mapigilan ng ilan na kumain nang marami. Ngunit sa pamamagitan lamang ng mga kamay at daliri, masusukat na ang mga pagkain para makontrol ang pagkonsumo nito.

Sa programang "Mars," ipinakita ni Krizia Erika Ola Paylago, Nutritionist-Dietician ng Doctor for Life Philippines, ang guide mula sa DOST kung saan tig-1/4 lang dapat para sa mga glow, grow at go foods sa isang plato.

Ipinakita rin niya ang mga katumbas na dami ng isang cup, kutsara, at kutsarita gamit sa kamay at mga daliri para sa reperensya. Panoorin. —Jamil Santos/ LDF, GMA News