Walang wang-wang, walang busina, walang gulong. Sa halip, isang mahabang kawayan, retaso ng lumang sleeping bag, tali, at matibay na bisig ng mga matulunging kalalakihan ang nagsisilbing ambulansiya ng mga taga-Sitio Linggawa sa Ilocos Sur para madala sa ospital ang kanilang kababayang maysakit o buntis na malapit nang manganak.
Gayunman, hindi madali ang paglalakbay ng mga nagdadala sa pasyente patungo sa bayan dahil nasa itaas ng bundok ang Sitio Linggawa. Kailangan nilang tahakin ang matitirik na daan at tumawid sa mga ilog. Isang paglalakbay na hindi lang peligro sa pasyente, kung hindi maging sa mga taong nagbubuhat sa kaniya.
Tunghayan sa episode na ito ng "iJuander" ang payak na pamumuhay at ang kahanga-hangang pagbabayanihan ng mga residente ng Sitio Linggawa, at ang kanilang hiling na magkaroon ng kalsada sa kanilang lugar para mapabilis ang kanilang paglalakbay. Panoorin.
Click here for more GMA Public Affairs videos:
--FRJ, GMA News
WATCH
'Ambulansiyang' de-duyan, ang pangsagip-buhay ng mga taga-Sitio Linggawa
Oktubre 12, 2018 8:30pm GMT+08:00