Sa wakas, natagpuan na ni Ryan Mendoza ang kaniyang pinakakamahal na tunay na ina sa tulong ng programang "Kapuso Mo Jessica Soho." Balikan ang iba pang nakaantig na kuwento ng mga taong nagkawalay at nangulila ng maraming taon at muling nadama ang init ng kanilang pagmamahalan sa kanilang pagkikita.

WATCH: Si Marites o si Gina: Alamin kung sino ang tunay na ina ni Ryan Mendoza

Si Caroline, 38 taon na hindi nakapiling ang tunay na ina matapos siyang ipaampon at dalhin sa Belgium. Bumalik siya sa Pilipinas at nagtungo sa Bacolod City para simulan ang kaniyang paghahanap.

Yuki Garcia, may lahing hapon na hinanap din ang kaniyang ina pagkaraan ng 28-taon matapos siyang iwan umano ng kaniyang ina sa taxi driver para ipambayad sa utang.

Makalipas ang 17 taon mula nang siya ay ipaampon ng kaniyang tunay na ina, nanawagan si Hanna sa programang 'Wowowin' para muli sana niya itong makita. At sa tulong din ng "KMJS" hindi naman siya nabigo.

Tatlumpung taon ang hinintay ng Australian film maker na si Jojo bago niya muling nakapiling ang nawalay na ina sa Pilipinas na si Aling Herminia.



Ang Amerikanong si Recardo Evans, limang dekada naman ang hinintay bago nahanap at nakapiling ang ina sa Pilipinas.



Dahil sa matagumpay na paghanap ni Australian na si Jojo sa kaniyang ina sa Pilipinas, nagkaroon din ng pag-asa si Amly mula sa Scotland na hanapin din ang kaniyang tunay na ina.

Happy ending din ang paghahanap ng magkakapatid na Farinas sa kanilang bunso na nahiwalay sa kanila ng 26 na taon matapos itong mawala.


-- FRJ, GMA News