Inanunsyo kamakailan ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na hindi na ipakikita sa media ang mga naarestong suspek bilang pagsunod sa matagal nang polisiya. May nalalabag nga bang karapatan sa mga suspek kapag inihaharap sila sa media? Alamin ang paliwanag dito ni Atty. Gaby Concepcion.

Sa segment na "Kapuso sa Batas" ng GMA News "Unang Hirit," mayroon ding karapatang pantao ang mga akusado na dapat kilalanin at igalang ng mga awtoridad.

Bagaman nakagawian na umano ang mga pulis na ipresinta sa media ang mga nahuhuling suspek na tila bahagi ng kanilang "accomplishment report," noong 2008 lang nagkaroon ng malinaw na polisiya o patakaran na hindi ito dapat gawin ng mga awtoridad.

Pero kahit ipatupad ang bagong patakaran na hindi na maaaring ipakita sa media ang mga nahuhuling suspek, sinabi ni Atty. Gaby na hindi naman nito maaapakan ang karapatan ng publiko para sa makakuha sila ng impormasyon.

Paliwanag niya, maaari pa rin namang ilabas ng media ang mga impormasyon tungkol sa krimen na nagawa ng naarestong suspek, at maaari pa ring ilabas ang mugshot ng mga suspek at maging ng mga most-wanted para sa kaligtasan at proteksyon ng mga tao. Panoorin ang buong pagtalakay ni Atty. Gary sa usaping ito:

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--Jamil Santos/FRJ, GMA News