Sa "Araw ng mga Puso," hindi na baleng makaranas ng "heart break" pero huwag lang "heart attack." Kaya naman alamin sa programang "Pinoy MD" ang mga sintomas sa sakit sa puso na coronary artery disease (CAD), at kung papaano ito maiiwasan.

Ang CAD ang karaniwang sakit umano sa puso kung saan nababarahan ang malalaking ugat sa puso, at mataas ang bilang ng mga nasasawi kung hindi kaagad maaagapan.

Ilan sa sintomas o nararamdaman ng coronary artery disease ay ang hirap sa paghinga at pananakit ng dibdib, na maaaring mauwi sa heart attack.

Maliban sa mataas na antas ng kolesterol sa katawan, stress, family health history, at paninigarilyo, maaari din umanong magkaroon ng CAD ang mga taong hindi nag-e-ehersisyo, mahilig sa matatabang pagkain, ang mga may diabetes, at sobrang mabigat  ang timbang.

Bagaman karaniwang ang mga nasa edad 40 pataas ang tinatamaan ng CAD, posible rin umanong magkaroon ng ganitong peligroso at magastos na sakit ang mga nasa mas batang edad.

Alamin ang buong pagtalakay sa isyung ito tungkol sa CAD para makaiwas sa naturang sakit at maging happy ang puso nang buong taon at hindi lang kapag "Araw ng mga Puso."


Click here for more GMA Public Affairs videos:

-- FRJ, GMA News