Isang medalyon na may nakasulat na latin at may mukha ng araw ang nakuha ng isang coin collector na pinaniniwalaang agimat na ginamit ng bayaning si Andres Bonifacio. Sinaliksik ng programang "Kapuso Mo, Jessica Soho" kung totoo ito o haka-haka lang.

Maliban kay Bonifacio, ilang bayani pa ang pinaniniwalaan na nagtataglay ng mga anting-anting tulad nina Macario Sakay at Leon Kilat.

Ang dating Pangulo na si Heneral Emilio Aguinaldo, sinasabing may agimat na bigay ng kapre kaya raw humaba ang buhay nito. Gayunman, pinabulaanan ito ng heneral.

Kuwento ng coin collector na si Boyet Manuel, nabili niya noon ang pendant sa Cavite nang naghahanap siya ng mga lumang barya.  Pero wala raw alam ang lalaking nagbenta ng medalyon kung saan ito nanggaling o sino ang may-ari.

Pero hinala ni Manuel, kay Bonifacio ang medalyon dahil sa mga pahiwatig na nakasulat dito. May butas din sa gitnang bahagi ng medalyon na pinaniniwalaan niyang tama ng bala nang minsan barilin umano ang bayani nang aarestuhin ito.

Para malaman kung kay Bonifacio nga ang medalyon na pinaniniwalaang anting-anting, sinaliksik ito ng "KMJS" sa tulong ng ilang eksperto at maging ng isang kaanak ni Bonifacio. Panoorin:



Click here for more GMA Public Affairs videos:
 

FRJ, GMA News