Isang tumatawid na sawa ang nakaantala sa ilang motorista sa Batac, Ilocos Norte.

Sa ulat ng GMA Regional TV sa Balitanghali, sinabing may limang metro ang haba ng sawa.

Nagmula ito sa bukid at posibleng naghahanap ng makakain.

Ligtas na nakatawid ang sawa, na umakyat sa bakod hanggang sa makapasok sa makahoy na parte ng isang unibersidad. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News