Nakumpiska ang aabot sa 70 sako o mahigit dalawang toneladang taklobo o giant clams na nagkakahalaga ng higit P4 milyon sa isla ng Gigantes sa Carles, Iloilo.

Sa ulat ni Cecille Quibod-Castro ng GMA Regional TV sa Balitanghali nitong Miyerkoles, sinabing inilahad ng Iloilo Maritime Police na bigong makapagpakita ng dokumento ang suspek na nahuling nagbebenta ng mga taklobo.

Nakasaad sa batas na ipinagbabawal ang pagkuha at pagbenta ng mga taklobo, dahil vulnerable species ang mga ito.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Philippine Fisheries Code. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News