Nasawi ang isang 25-anyos na call center agent matapos sumalpok ang kanyang sinasakyang motorsiklo sa police patrol vehicle sa Balagtas, Bulacan.

Kumaliwa raw mula sa northbound lane ng kalsada ang police patrol vehicle para magpa-gas nang mabangga nito ang nasabing motorsiklo.

Nagsampa ng reklamo ang ina ng biktima laban sa pulis na sakay ng police patrol vehicle para sa kasong reckless imprudence resulting in homicide. Nag-counterflow daw kasi ang police patrol vehicle.

Walang pahayag ang pulis na sangkot sa insidente. —KG, GMA Integrated News