Limang batang magpipinsan ang nasawi sa sunog na nangyari noong Lunes ng gabi sa Tondo, Maynila.
Sa ikalawa at ikatlong palapag sumiklab ang sunog sa residential property sa Brgy. 97, Tondo, Maynila pasado alas diyes kagabi, ayon sa report ni Bam Alegre sa Unang Balita Martes ng umaga.
Samantala, dalawang tao pa ang pinaghahanap.
"We gathered information from direct witnesses... [We'll] gather din ashes, debris, and electrical wirings for laboratory examination," saad ni F/ Sr. Insp. Alejandro Ramos.
Itinaas sa ikalawang alarma ang sunog para rumesponde ang hindi bababa sa walong fire truck.
Ayo sa ulat, masikip ang eskinita kaya nahirapang gumalaw ang mga bumbero.
Tinatayang aabot sa lagpas P 150,000 ang naging pinsala ng sunog.
Patuloy ang imbestigasyon sa naging sanhi ng apoy.
—VAL, GMA Integrated News