Bangkay na nang matagpuan ang isang siyam na taong gulang na lalaki na palutang-lutang sa irigasyon sa Reina Mercedes, Isabela.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Martes, sinabi ng pulisya na nakatanggap sila ng impormasyon na may lumulutang na bangkay na namataan ng isang magsasaka.

Hinihinalang nalunod ang bata nang mahulog sa irigasyon.—Jamil Santos/AOL, GMA Integrated News