Natagpuang patay at may tama ng bala ng baril ang isang lalaki at isang babae sa loob ng isang kotse sa Gattaran, Cagayan.

Sa ulat ni Cris Nobelo sa GMA Regional TV News nitong Lunes, sinabing nakita ang mga biktima sa loob ng kotse na nakatigil sa gilid ng highway sa Barangay Basao.

Nakilala ang biktimang lalaki sa pamamagitan ng kaniyang driver's license habang hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan ng babaeng babae.

Hinihinala ng mga awtoridad na posibleng kakilala ng mga biktima ang mga salarin dahil maayos ang pagkakaparada ng sasakyan sa gilid ng highway.

Inaalam pa kung sino ang mga salarin at kung ano posibleng motibo sa krimen.--FRJ, GMA Integrated News