Ipinamalas ng ARMYs ang kanilang suporta sa BTS member na si Suga na nahaharap ngayon sa isyu ng drunk driving.

Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, sinabing humarap si Suga sa imbestigasyon ng pulisya Biyernes ng gabi, at humingi ng paumanhin sa fans na kaniya umanong nadismaya.

Ipinakita naman ng BTS Army ang kanilang suporta sa idol-rapper, at nag-trending ang mga katagang

“WE LOVE YOU YOONGI” “ArmysTRUSTMinYoongi” at “#YoongiNeverWalksAlone.”

Sumasailalim sa imbestigasyon si Suga dahil sa pagmamaneho ng electric scooter habang naka-inom.

Wala namang naiulat na nasaktan o nasirang ari-arian dahil sa insidente. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News