Patay ang isang lalaki matapos masalpok ng tren sa Polangui, Albay, ayon sa ulat sa 24 Oras Weekend.
Base sa imbestigasyon, galing daw sa lamay ang biktimang 21-anyos.
Pero walang nakapansin kung paano siya nahagip ng tren nitong Biyernes. Nakita na lang daw ng mga residente na nakahandusay ang lalaki na may tama na sa ulo at putol na ang paa.
Nagsasagawa na ng hiwalay na imbestigasyon ang pamunuan ng Philippine National Railways (PNR) kaugnay sa aksidente. — BM, GMA Integrated News