Isang vintage bomb na tinatayang isang tonelada ang bigat ang nahukay ng mga trabahador sa ginagawang riprap sa Sablan, Benguet.
Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Huwebes, sinabing nahukay ang bomba sa riprap construction site sa Barangay Kamog.
Ayon sa mga awtoridad, mabuti na lang at hindi tinamaan ng mga ginagamit na heavy equipment sa proyekto ang naturang bomba.
Kaagad na dumating ang mga tauhan ng Explosive Ordnance Division (EOD) sa lugar, at dinala ang bomba sa isang detonation facility sa Tarlac.
Nagpapatunay na ang gawain sa construction area pero nagpapatupad sila ngayon ng dagdag na pag-iingat para sa kaligtasan ng mga trabahador at maging ng mga tao sa lugar.
“Nagpulong kami kaugnay sa area, just in case na may mahanap, pati mga contractor na naghuhukay doon, itawag na lang sa malapit na police station kung sino ang nakakasakop para maaksyunan agad ‘yung vintage bomb o UXO [unexploded explosive ordnance] na nahanap," sabi ni Police Captain Dick Kary Latogan, hepe ng Sablan Police Station. --FRJ, GMA Integrated News