Patay ang isang batang babae matapos madamay sa insidente ng pamamaril sa Tanza, Cavite, nitong Lunes ng umaga, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, tinamaan sa likuran ang bata nang barilin ng suspek na nakilala sa pangalang "Jojo" ang target niyang si Marvin Cortez.

Tinamaan sa pisngi si Cortez at nananatili sa ospital.

Arestado na ang suspek na tumangging magbigay ng pahayag. 

Tumanggi rin munang magsalita ang pamilya ng batang babae. —KBK, GMA Integrated News