Arestado sa entrapment operation ang isang lalaki sa Naga, Camarines Sur dahil sa pagbebenta umano ng nakaw na bisikleta. Mula sa orihinal na preyo ng bisikleta na P30,000 ibinebenta umano ito ng suspek online sa halagang P5,000 lang.

Sa ulat ng GMA Regional TV Balitang Bicolandia, sinabing kaagad na nagkasa ng entrapment operation ang mga awtoridad nang makita ang post sa internet ng 20-anyos na suspek tungkol na ibinebentang ninakaw na bisikleta.

Nahulihan din ng patalim at ilegal na droga ang suspek nang arestuhin.

Nagpaalala naman ang pulisya sa publiko na mag-ingat sa mga binibili online upang hindi makasuhan ng paglabag sa anti-fencing law, o pagbili ng produktong nakaw.

“Kung ang tao nagbakal kang hinabunan, saka sa posisyon ninda nakua, so pwede sindang makasuhan ng anti-fencing law, pagbakal kang mga hinabunan. Kaya advise ko duman sa mga nagbabakal online, na dapat maging mapamatiyag, gustong sabihon, busision ninda kung ini bang gamit na ini is hinabunan o dae," payo ni Police Major Juvy Llunar, commander ng NCPO Station 2.--FRJ, GMA Integrated News