Kinasuhan ng murder at frustrated murder ang suspek sa pagdukot at pambugbog ng dalawang batang babae sa Sariaya, Quezon.

Ayon sa ulat sa 24 Oras Weekend, January 6 nang dukutin at bugbugin umano ng 23-anyos na suspek ang mga biktima sa isang gubat sa Sariaya, Quezon.

Patay ang isa sa mga bata, nakatakas ang isa pa.

Nang sumuko ang suspek at umamin sa pagpatay, sinabi niya na nagdilim ang kanyang paningin at inakalang manika ang bata.

Nakakulong na ang suspek at hinihintay ang resulta ng pagsusuri sa kanyang mental condition. — BM, GMA Integrated News