Nahuli-cam ang rambulan ng isang grupo ng mga namamasko sa ilalim ng isang flyover sa Davao City, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes mula sa GMA Regional TV One Mindanao.

Nagsuntukan, sakitan at habulan ang mga namasko dahil umano sa hindi pagkakaunawaan tungkol sa hatian ng perang napamaskuhan.

Kahit may mga pulis na raw na dumating ay hindi pa rin nagpa-awat ang grupo.

Anim ang arestado dahil sa gulo habang hinatid naman pauwi ang iba sakay ng isang truck.

Nagpaalala rin ang pulisya na bawal ang pamamalimos sa lungsod. —KBK, GMA Integrated News