Dalawa ang nasawi, habang isa pa ang sugatan nang bumangga sa poste ng kuryente ang sinasakyan nilang tricycle sa Ilocos Norte.

Sa ulat ng GTV "Balitanghali" nitong Lunes, sinabing nangyari ang insidente sa Barangay Pagdilao sa bayan ng Pinili sa Ilocos Norte.

Base umano sa imbestigasyon ng mga awtoridad, nawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng tricycle.

Galing din umano inuman ang mga biktima at bibili sana ng pagkain sa kabilang bayan nang mangyari ang aksidente.-- FRJ, GMA Integrated News