Siyam katao na ang naitalang nasawi sa magnitude 6.8 na lindol na yumanig sa maraming lugar sa Mindanao noong Biyernes, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sa ulat ng NDRRMC nitong Lunes, sinabing walo sa mga nasawi ay mula sa Soccsksargen at isa Davao Region.
Sa nasabing bilang ng mga nasawi ay nasa Sarangani, tatlo sa South Cotabato, at isa sa Davao Occidental, na sentrol ng lindol.
Mayroong 15 katao ang iniulat na nasaktan.
Sinabi ni NDRRMC spokesperson Mark Timbal sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing, may 450 katao rin ang binigyan ng atensyong medikal dahil sa naranasang hyperventilation at panic attack.
Nasa 826 na bahay ang napinsala ng lindol, na 729 ang partially damage at 97 ang totally damage.
Mayroon namang 118 empraestruktura ang napinsala rin, ayon pa sa NDRRMC.
Tatlong kalsada sa Soccsksargen ang hindi pa madaanan, habang naibalik na ang enerhiya sa 21 lugar na nawalan ng kuryente nang tumama ang lindol.—FRJ, GMA Integrated News