Kalunos-lunos ang sinapit ng isang aso matapos itong pagpapaluin at pugutan ng isang lalaking may trauma umano sa mga aso sa Koronadal City, Cotabato.

Sa ulat ni Bam Alegre sa Unang Balita nitong Huwebes, mapapanood ang isang lalaki na may hawak na isang mahabang kahoy at tila may susugurin.

Pagkahinto ng lalaki sa isang madamong bahagi ng kalye sa Santa Cruz, dito na niya pinagpapalo ang aso.

Nadinig sa video ang pag-iyak ng aso, ngunit patuloy lamang sa pagpalo ang lalaki.

Ilang sandali pa, makikitang ginigilitan na ng lalaki ang aso.

Dinakip ang lalaking kinilalang si Reynald Toco.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na uminit ang ulo ni Toco matapos siyang habulin ng aso.

Ayon sa suspek, may trauma siya sa mga aso matapos mabaliw noon ang kaniyang pamangkin nang makagat ng aso.

Umamin sa krimen ang suspek, na nahaharap sa patong-patong na reklamo. â€”Jamil Santos/ VAL, GMA Integrated News