DEL GALLEGO, Camarines Sur - Masuwerteng minor injury lang ang tinamo ng mga pasahero ng isang pribadong van matapos itong mahulog sa bangin sa gilid ng Andaya Highway sa Comadaycaday, Del Gallego, Camarines Sur dakong 6:30 nitong Martes ng umaga.

Ayon sa Del Gallego Municipal Police Station, patungong Albay ang van nang mangyari ang aksidente.

Posibleng inaantok daw ang driver ng van. Accident-prone area rin ang pinangyarihan ng aksidente.

Nagtulong-tulong naman ang mga residente sa lugar upang ilabas ang mga pasahero sa loob ng van.

Hindi na nagpadala sa pagamutan ang mga pasahero ng van. —KG, GMA Integrated News