Nasawi ang isang 22-anyos na rider matapos bumangga sa isa pang motorsiklo, bago nagulungan ng van sa Bago City, Negros Occidental.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes, kinilala ng pulisya ang biktima na si Stephen Soriano, na pauwi na sakay ng kaniyang motor, nang mangyari ang insidente.

Tumilapon ang biktima sa kabilang lane dahil sa lakas ng impact, at doon siya nagulungan ng van.

Dinala sa ospital si Soriano ngunit binawian din ng buhay kalaunan.

Kinilala ang driver ng van na si Alfred Mendoza na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.

Hindi nagbigay ng pahayag ang suspek. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News