Patay na nang makita sa loob ng kanilang bahay ang isang mag-ina sa Barangay Payar sa San Carlos City, Pangasinan.

Sa ulat ng Mornings with GMA Regional TV nitong Lunes, sinabing 42-anyos na ginang at habang 13-anyos naman ang kaniyang anak.

Nagtaka umano ang ilang kaanak ng mag-ina dahil ilang araw na silang hindi nakikita o lumalabas ng bahay.

Nang puntahan, nangangamoy na ang bangkay ng mga biktima nang matagpuan.

Isang negosyante ang ginang at mayroong live in partner.

Iniimbestigahan ng mga awtoridad ang posibleng motoribo sa krimen at sino ang salarin. --FRJ, GMA Integrated News