Sa kulungan ang bagsak ng isang taxi driver sa Cebu City matapos siyang ireklamo ng panghihipo ng pasahero niyang babae.

Sa ulat ni Alan Domingo sa GMA Regional TV News nitong Biyernes, kinilala ang suspek na si Jose Jongkie Engco, 47-anyos.

Pauwi na umano ang biktimang college student nang mangyari ang insidente noong Martes.

Aminado naman si Engco sa ginawang kasalanan at humihingi siya ng patawad sa kaniyang biktima.

"Nagkamali ako sa aking nagawa," saad niya. "Natukso talaga ako."

Sa kabilang nito, desidido ang biktima na ituloy ang reklamo laban sa kaniya na act of lasciviousness.-- FRJ, GMA Integrated News