Nilooban ng mga kawatan ang isang simbahan at tinangay ang ilang audio device at trumpeta nito sa Tigaon, Camarines Sur.

Sa ulat ng GMA Regional TV Balitang Bicolandia, na iniulat din sa Unang Balita nitong Martes, sinabing nilooban ang St. Catherine of Siena Parish pasado 11 p.m. nitong Sabado, kung saan tinangay ng mga kawatan ang audio mixer at microphone.

Ayon sa sekretarya ng parokya, sa bintana ng simbahan dumaan ang magnanakaw.

Nakunan ng CCTV ang insidente ngunit mahirap ang pagtukoy sa suspek. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News