Isang kakaibang regalo ang natanggap ng isang college graduate sa Baguio City.

Ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes mula sa Philippine Information Agency - Cordillera Administrative Region (PIA CAR), isang "money bouquet" ang natanggap ni Jewel Orpilla mula sa kaniyang kuya.

Nagkakahalaga raw ang money bouquet ng P10,000.

Nagtapos si Orpilla na cum laude sa Bacherlo of Science and Hospitality Management. —KBK, GMA Integrated News