Humantong sa sigawan, sabunutan, at sakitan ang kasiyahan ng grupo ng dalawang kabataan na pawang mga babae at miyembro ng LGBTQ dahil umano sa lalaki sa Goa, Camarines Sur.

Sa ulat ng GMA Regional TV Balitang Bicolandia, na iniulat din ng Balitanghali nitong Martes, sinabing nangyari ang rambulan madaling araw ng Sabado.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng GOA Police, nagkapikunan ang dalawang grupo dahil umano sa lalaki.

Natukoy na ng mga awtoridad ang nasa 10 kabataan kung saan ang ilan ay mga taga-ibang bayan umano. —Jamil Santos/ VAL, GMA Integrated News