Walang nagawa ang malakas na ulan para ituloy ng dalawang ikakasal ang kanilang prenup shoot sa Cagayan de Oro City.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes, makikitang todo-pose pa rin sina Joura Mae Quino at John Vincent Montebon sa kanilang shoot sa kabila ng malakas na buhos ng ulan.

Dahil dito, viral ang kanilang photos kung saan tila nag-propose si John Vincent kay Joura Mae.

Sa susunod na linggo na ikakasal ang couple.

Nagpasalamat ang magkasintahan sa lahat ng sumusuporta sa kanilang pag-iibigan. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News