Isang bangkay ng babae ang natagpuan sa isang kanal sa Barangay El Rio sa Sibagat, Agusan del Sur, ayon sa ulat ni James Agustin sa Unang Balita nitong Huwebes.

Wala pang pagkakakilanlan ang babae, na tinatayang nasa edad 20 hanggang 30 anyos, may katamtamang pangangatawan, kulot ang buhok, at may taas na 5'2'' hanggang 5'4''.

Ayon sa pulisya, posibleng hinalay ang biktima, na walang saplot nang matagpuan.

Kasalukuyang hinihintay pa ang resulta ng autopsy. —Jamil Santos/KBK, GMA Integrated News