Dalawang pulis ang patay habang apat naman ang sugatan pagkatapos tambangan sa bayan ng Shariff Aguak sa Maguindanao del Sur.

Ayon sa ulat sa Unang Balita, pabalik na sana sa Kampo Datu Akilan ang anim na pulis pagkatapos nilang magpatrolya ng mangyari ang insidente alas 8:30 ng gabi nitong Miyerkules. 

Sabi ng pulisya, nasundan pa ang insidente ng shootout sa pagitan ng mga pulis at umatakeng grupo.

Patuloy ang pagtugis ng pulisya sa mga nakalabang grupo. Pinaigting na din ang seguridad sa probinsiya. —VAL, GMA Integrated News