Gumagawa rin ng kasaysayan sa takilya ng Amerika ang "Hello, Love, Again," na pinagbibidahan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo.

Ayon sa isang ulat ng Deadline.com, tumabo sa opening weekend ang "Hello, Love, Goodbye" ng $2.4 milyon sa 248 sites sa US.

"Hello, Love, Again" also broke its way to the current Top 10 films in the US, ranking 8th. It’s the first time a Filipino film has made it on the list," ayon sa ulat.

"That's an awesome opening record for a Filipino movie beating the entire gross of the Dante Bosco romcom, The Debut ($1.7M) from 2000," saad pa sa Deadline. "It's also the widest ever for a Filipino feature."

Ipapalabas din ito sa Asian World Film Festival sa Los Angeles.

Bukod sa North America, ipinapalabas din ang "Hello, Love, Again" sa Europe, Australia at New Zealand.

Dadalhin din ito sa Middle East, Hong Kong, Macau, Singapore at Malaysia.

Sa Pilipinas, tumabo na ang "Hello, Love, Again" sa mga sinehan ng P245 milyon sa loob ng tatlong araw.

Ang "Hello, Love, Again," ay sa direksyon ni Cathy Garcia-Sampana, na pagpapatuloy ng love story ng mga OFWs na sina Joy at Ethan mula sa 2019 blockbuster movie na "Hello, Love, Goodbye."—FRJ, GMA Integrated News