Pumanaw na ang isa sa vocalist ng bandang Aegis na si Mercy Sunot dahil sa sakit na cancer.
Ang malungkot na balita ay ibinahagi sa official Facebook page ng banda nitong Lunes ng umaga, ilang araw matapos humingi ng dasal si Mercy sa publiko para sa kaniyang paggaling.
“It is with heavy hearts that we share the news of the passing of Mercy, one of the beloved vocalists of AEGIS Band. She bravely fought her battle with cancer but has now found peace and rest,” saad sa pahayag ng OPM band.
Ayon sa Aegis, ang tinig ni Mercy ay nagdulot ng "comfort, joy and strength to so many."
"She has touched countless lives, inspiring fans and lifting spirits with every song she sang. Her passion, warmth, and unforgettable presence on stage will forever be cherished in our hearts," dagdag ng banda.
“Mercy, thank you for the music, the love, and the memories. You will be deeply missed," patuloy nito.
Si Mercy ay isa sa mga bokalista ng Aegis, kasama ang kaniyang mga kapatid na si Juliet at Stephanie.
Si Stephanie, nagpalit ng black and white na larawan ng kandilang may sindi sa kaniyang profile sa Facebook at Instagram matapos ianunsyo ang pagpanaw ni Mercy.
Nitong weekend, humingi ng panalangin sa publiko si Mercy para sa kaniyang paggaling matapos na sumailalim sa lung surgery.
Kabilang sa mga hit song ng Aegis “Sinta,” “Luha,” “Basang-basa sa Ulan,” at marami pang iba.
Paalam, salamat sa mga awitin, Mercy.
— FRJ, GMA Integrated News