Natagpuang duguan at bangkay na ang isang lalaki na dayo umano sa loob ng isang sasakyan sa Padre Algue Street sa Abad Santos sa Maynila.

Sa ulat ng Balitanghali nitong Martes, sinabing lumabas sa paunang imbestigasyon ng mga awtoridad na sinaksak ang biktima.

Tinangka pa umano ng biktima na makaalis pero binawian din ng buhay kalaunan.

Nagsasagawa na ng backtracking ang mga awtoridad sa mga CCTV sa lugar upang makatulong sa imbestigasyon. — Jamil Santos/RSJ, GMA Integrated News