Dead on the spot ang isang babae sa Brgy. Amaya II sa Tanza, Cavite pagkatapos mahulog sa sinasakyang motorsiklo at masagasaan ng bus. 

Ayon sa report sa Unang Balita, sinabi ng Tanza Police na nakasakay ang biktima na kinilalalang si Janelle Latag sa motorsiklo ng kanyang ka live-in partner na si Niel Botacion nang makagitgitan nila sa kalsada ang isang bus.

Ayon sa report, sumemplang ang motorsiklo kaya nahulog ang babae at sunod nga ay nagulungan eto ng bus. 

Sugatan naman ang driver ng motorsiklo. 

Mahaharap sa reklamong reckless imprudence resulting in homicide ang bus driver na kinilala bilang si Mark Escober.

Walang binigay na pahayag ang bus driver.  —VAL, GMA Integrated News