Sumiklab ang sunog sa isang warehouse ng sports equipment at musical instruments sa Cainta, Rizal madaling-araw nitong Huwebes.
Sa ulat ni Bam Alegre sa Unang Balita nitong umaga, sinabing kontrolado na ang sunog sa isang industrial warehouse sa Cainta, malapit sa boundary ng Pasig City.
Ayon sa report, matindi ang pagliyab ng apoy pasado alas-tres ng madaling-araw.
Naglalaman ang warehouse ng mga nakaimbak na sports equipment at musical instruments.
Itinaas ng Bureau of Fire Protection (BF) sa ikatlong alarma ang sunog upang maiwasan umano ang pagkalat ng apoy sa kalapit na residential area sa may boundary ng Cainta at Pasig City.
Mistulang lumondo ang pundasyon at mga pader ng warehouse dahil sa tindi ng apoy, ayon sa ulat.
Naging hamon din umano ang supply ng tubig sa loob ng compound kaya nag-water relay ang mga firetruck.
Nagdeklarang ng fire under control ang BFP dakong 4:31 a.m.
Patuloy pang iniimbestigahan ang sanhi ng apoy at ang halaga ng pinsala nito. —LBG, GMA Integrated News