Nasawi ang isang lalaki na lasing at naghahanap ng away umano matapos siyang saksakin ng kaniyang sariling anak sa Guihulngan, Negros Oriental.

Sa ulat ni Nico Waje sa Unang Balita nitong Miyerkoles, kinilala ang biktima na si Alfredo Gantalao Sr., na sinaksak ng kaniyang anak na si Alfredo Jr. hapon ng Linggo.

Dead on arrival sa ospital si Gantalao Sr.

Bago nito, nahampas ni Gantalao Sr. ng kahoy ang kaniyang anak.

Kumuha ang anak ng kutsilyo at sinaksak sa tagiliran ang kaniyang ama.

Patuloy na tinutugis ng mga awtoridad ang tumakas na suspek.

 

—Jamil Santos/LBG, GMA Integrated News