Limang lalaki ang pinagbabaril sa isang videoke house sa Barangay Dumalinao, Zamboanga del Sur, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes.

Dead on the spot ang isang barangay kagawad, barangay tanod at isang kainuman nila habang sugatan naman at ginagamot sa ospital ang dalawa pa.

Ayon sa pulisya, biglang pumasok ang dalawang suspek sa lugar kung saan nag-iinuman ang mga biktima saka sila pinagbababaril.

Tumakaw daw ang mga salarin sakay ng isang motorsiklo. —KBK, GMA Integrated News