Arestado ang isang lalaki sa Camarines Sur matapos umanong pagsasaksakin ang kanyang sariling misis.

Sa ulat ng GMA Regional TV Balitang Bicolandia, na ini-report sa Unang Balita nitong Huwebes, mismong ang mister ang itinuturong sumaksak sa isang babae sa Bombon, Camarines Sur.

Agad naman umanong sumuko sa mga awtoridad ang suspek, at ayon sa kanila, matagal nang may problema pero hindi lamang umano maayos na napag-usapan ng mag-asawa.

Dalawang anak ang naulila ng biktima, ayon sa ulat.

Tumangging magbigay ng pahayag ang suspek na mahaharap sa reklamong parricide. —LBG, GMA Integrated News