Mahigit P6 milyong halaga ng mga pakete ng dried marijuana leaves ang nasabat ng mga pulis sa operasyon sa dalawang bayan sa Laguna.

Sa Biñan at San Pedro, Laguna isinagawa ang operasyon sa dalawang iligal na online casino.

Nakumpiska ng mga pulis ang 11 pakete ng dried marijuana leaves, gayun din ang ilang drug paraphernalia at computer.

Inaresto rin ang  21 empleyado ng illegal online casino na nahuli umano sa aktong pangongolekta ng bet money. Walang pahayag ang mga suspek.

Samantala, sa las Piñas City, kalaboso naman ang isang drug suspek matapos mahulihan ng hinihinalang shabu na tinatayang aabot sa P6.8 million ang halaga.

Wala ring pahayag ang suspek. —LBG, GMA Integrated News