Hindi bababa sa 7,000 katao ang dumalo at nag-abang at nakisaya sa Christmas Lighting Ceremony at pagbubukas ng Paskong Quezonian 2022 sa Provincial Capitol Compound sa Lucena City, Quezon nitong Biyernes ng gabi.
Bago buksan ang mga pailaw ay pinangunahan ni Quezon Governor Doktora Helen Tan ang programa.
Isang grupo ng kabataan ang nagpakita ng kanilang husay sa pagsayaw.
Nag enjoy ang mga taga-Quezon sa tunnel of lights na mayroong magkakaibang kulay ng ilaw, giant Christmas tree at Christmas village.
Pinaka inabangan ng lahat ay ang main building ng provincial capitol na nagmistulang giant screen sa Christmas 3D Mapping na sinabayan ng masasayang himig pamasko.
Buong buwan ng Disyembre ay maraming nakahandang programa ang provincial government ng Quezon sa mga Quezonian kabilang na ang Chorale competition, Bibingka coooking contest, concert at night tiangge. —LBG, GMA Integrated News