Inuutusan ng korte si Jomalig, Quezon incumbent Mayor Nelmar Sarmiento na ibakante ang kanyang pwesto at payapa nitong ibigay sa totoong nanalo noong May 2022 Elections na si Mayor Rodel Espiritu.
Nakabatay ang kautusan ng korte sa isinagawang recount matapos mag-protesta si Mayor Rodel Espiritu.
Ayon sa korte, lamang ng 18 votes si Espiritu sa boto na may kabuuang bilang na 2,167 kumpara sa boto ni Mayor Nelmar Espiritu na 2,149.
Inutusan din ng korte si Mayor Sarmiento na bayaran si Espiritu sa mga nagaston nito sa proseso ng electoral protest.
Nilagdaan ni presiding Judge Raymund Joseph Soroñgon, Regional Trial Court
Branch 65 of Infanta, Quezon ang kautusan.
Jomalig, Quezon Mayor Nelmar Sarmiento, inutusan ng korte na bumaba sa kanyang pwesto at payapa itong ibigay kay Rodel Espiritu na siyang totoong nanalo bilang alkalde. Base ito sa election protest na isinampa ni Espiritu matapos ang May 10, 2022 Elections. @dzbb @gmanews pic.twitter.com/LrXSYbiAJi
— peewee bacuño (@PeeweeBacuno) November 5, 2022
Hindi 'final and executory'
Ayon kay Mayor Nelmar Sarmiento, hindi raw niya ibabakante ang pwesto. Susunod raw siya sa payong legal ng kanyang abogado. Hindi pa raw final at executory ang desisyon.
Ayon naman kay Mayor Rodel Espiritu, nagpapasalamat raw siya sa pagpabor sa kanya ng desisyon ng korte.
Sana raw ay igalang ang desisyon ng korte at sundin ang ipinag-utos nito. Gagawin raw ng kanyang legal team ang mga tama at legal na hakbang at susundin ang desisyon ng korte.
Kung sakali raw na hindi bumaba sa pwesto si Mayor Sarmiento ay makikipag-ugnayan siya sa pulisya.
Nagsipuntahan naman sa munisipyo ang mga taga-suporta ni Mayor Sarmiento at nagsasagawa ng prayer vigil.
Ang mga residente ng Jomalig ay naka-antabay sa mga susunod na mangyayari sa kanilang bayan.
Ang bayan ng Jomalig ay isang maliit at island municipality. Kilala ang lugar sa world class na beach. —LBG, GMA Integrated News