Hindi na kailangang magpakita ng certificate of acceptance ang mga turistang papasok sa Batanes, bilang panibagong guidelines ng probinsya simula Oktubre 1.
Sa ulat ng “Unang Balita” nitong Martes, sinabing required pa rin sa Batanes ang vaccination card o digital copy ng VAXCertPH.
Kailangan namang magpakita ng proof of ineligibility ang mga hindi pa eligible na bakunahan laban sa COVID-19.
Kabilang dito ang birth certificate sa edad lima pababa, at medical certification para sa may medical reasons.
Kailangan din ng clearance mula sa Provincial Tourism Office para makapaglibot sa Batanes.
Wala nang limit sa bilang ng mga turistang papasok sa probinsya. — Jamil Santos/VBL, GMA News