Naaresto na ang suspek sa pagpatay sa isang dalagitang natagpuan ang bangkay sa ilalim ng tulay sa Trece Martires, Cavite.

Sa ulat ng Unang Balita, nadakip ng mga pulis ang suspek na si Elden Alegria, 33, nitong Miyerkules sa Sitio Aldaba Hills, Barangay Manuyan, San Jose Del Monte, Bulacan.

Kasama rin sa nadakip sina Joy Alegria, 37, at Pepito Baluran, 51, dahil sa pagtulong umano kay Elden sa pagtatago.

Sila ay nasa kustodiya na ng mga pulis at hindi nagbigay ng pahayag. — Alzel Laguardia/RSJ, GMA News