Arestado ang mahigit 200 katao sa isinagawang malawakang operasyon kontra sa ilegal na pagsusugal sa lalawigan ng Quezon.
Sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes, sinabing dinakip ang mga indibidwal sa magkakahiwalay na mga pasugalan.
Nakumpiska sa mga suspek ang mahigit P29,000 na gambling money at iba pang ebidensya.
Hawak na ng pulisya ang mga suspek na nahaharap sa mga kaukulang reklamo. —Jamil Santos/LBG, GMA News